
BILANG KONGRESISTA isinulong ni MIKE DEFENSOR ang isang batas na nagdagdag ng pondo at nagpalawak ng serbisyo sa dating Labor Hospital na ngayon ay Quirino Memorial Medical Center. Naihain din niya sa Kongreso ang mga programang pabahay at palupa sa Escopa Proper at Matandang Balara sa District III ng Quezon City.
Ano ang mga makabuluhang nagawa na niya bilang lingkod-bayan?
Si Mike Defensor ay pangalawang anak sa anim na magkakapatid nina Cong. Mat Defensor at Florence Defensor. Si Mat Defensor ay mula sa probinsya ng Iloilo at si Florence Defensor ay mula sa Pampanga. Ang kanyang lolo na si Mat Defensor Sr. ay dating vice-mayor ng Quezon City at umaktong mayor nang mamatay ang dating mayor na si Ponciano Bernardo. Produkto ng pampublikong paaralan, si Mike Defensor ay nag-aral sa UP Integrated School at nagtapos ng kanyang huling taon sa Niles McKinley High School sa Ohio, USA. Pumasok sa kolehiyo sa Pamantasan ng Pilipinas at doon nahubog ang kanyang pagiging lider estudyante.

QMMC Hospital
Inihalal na pinakabatang konsehal sa ikatlong distrito ng Quezon City sa edad na 22, ipinaglaban muli ni Mike ang pangarap at adhikain ng mga mahihirap. Sa pamamagitan ng pag- sulong ng ordinansa sa konseho, pina-aprubahan ni Mike ang pagbibigay katiyakan sa paninirahan sa mga mamamayan ng Pajo sa Proj.3, sa Bagumbuhay, sa Escopa 3 PUD site. Siya rin ang nagsulong ng QC Polytechnic University at ordinansa laban sa ‘di pagbibigay serbisyo ng mga ospital kahit emergency kapag walang deposito. Isa sa pinakamaraming isinulong at ipinasang ordinansa at aktibo sa mga debate sa konseho si Mike Defensor ay pinarangalan ng Manuel L. Quezon Bantayog Award bilang isa sa mga pinakamahusay na konsehal ng kanyang panahon.
Naging konsehal at vice-chairman ng UP Student Council at mula doon ay nahalal na Chairman ng National Union of Students of the Philippines o NUSP. Sa murang edad pinangunahan ni Mike ang pakikipaglaban sa pagtaas ng matrikula na ikinahihinto ng maraming estudyante sa kanilang pag-aaral. Nakulong ng ilang araw sa kanyang pangunguna sa isang kilos protesta laban sa Base Militar ng Estados Unidos, malalim ang nasyunalismo at pagmamahal ni Mike sa bayan.

BILANG KONSEHAL ay napa-aprubahan ni MIKE DEFENSOR ang isang ordinansa na nagbibigay katiyakan sa paninirahan ng mamamayan sa Pajo sa Proj. 3 at sa Bagumbayan, Escopa 3 PUD site. Siya rin ang nagsulong ng ordinansa laban sa mga ospital na tumatangging magbigay ng emergency services sa mga pasyenteng walang pang-deposito.
Si Mike ay nagsulong ng batas na lalo pang magpapalawak ng serbisyo ng QMMC at magbibigay ng mas malaking pondo para rito. Inihain niya ang programa ng pabahay at palupa sa Escopa Proper at maging sa Matandang Balara. Nagtayo ng maraming programang patubig na siyang pangunahing pangangailangan noong mga panahong iyon at nagpasemento ng maraming kalye sa kanyang distrito. Sinigurado din ni Mike na maayos ang mga health centers at paaralan.

Bilang Chairman ng HUDCC mahigit 50,000 pamilya sa National Government Center sa Quezon City ang nabigyan ng katiyakan sa kanilang paninirahan sa pamamagitan ng Community Mortgage Program. Sinigurado rin ni Mike na maayos ang mga health centers at mga paaralan.
Nang pumasok ang EDSA 2, si Mike ay nahirang na pinakabatang miyembro ng gabinete bilang kalihim ng Pabahay at Palupa. Dito itinulak ni Mike ang katiyakan sa paninirahan ng maralitang taga-lungsod kabilang na ang mga lugar ng Escopa at ng National Government Center o NGC. Nireporma ni Mike ang Pag-Ibig upang mabigyan ng pagkakataon ang maraming empleyado na magkaroon ng pabahay. Itinaas ni Mike ang halaga ng puwedeng utangin mula 500,000 hanggang 2 milyong piso at pagbaba ng interes mula 14% pababa sa 7%. Pinadagdagan din ni Mike ang pondo sa Community Mortgage Program at tinanggal ang red tape upang mapadali ang pag-proseso nito. Humigit kumulang 1 milyon kada taon ang nabigyan ng pabahay at palupa sa panahon na nagsilbi si Mike sa ahensyang ito. Ang NGC na humigit kumulang 50,000 pamilya at ang Escopa na humigit kumulang 4,000 na pamilya ang siyang mga pangunahing benepisyaryo sa Quezon City. Sa ilalim ng pamumuno ni Mike Defensor humigit kumulang isang milyong pamilya kada taon ang natulungang magkaroon ng katiyakan sa pabahay at palupa kasama na ang mga empleyado at mga manggagawa.

BILANG DENR Secretary ay si MIKE DEFENSOR ang may pinakamaraming naaresto at kinasuhan ng illegal logging at sa kanyang panahon din nasupil ang red tape o sobrang bagal na proseso sa pagkuha ng Environmental Clearance Certificate. Mahigit 2,000 lisensya ang kanyang kinansela sa walang patumanggang pagputol ng mga punongkahoy.

BILANG TAGAPAMAHALA NG NAIA Terminal 3 noong 2008 ay napabuksan ni MIKE DEFENSOR sa kapakinabangan ng publiko ang nasabing bahagi ng paliparan mula sa halos sampung taong pagkabinbin dahil sa iba’t ibang isyu.
Mula sa Kagawaran ng Pabahay at Palupa ay inilipat si Mike Defensor sa Department of Environment and Natural Resources. Di gaanong nagtagal si Mike sa DENR ngunit sa sandaling panahon ng kanyang panunungkulan, naitala ang pinakamataas na bilang ng pag-aresto at pagsasampa ng kaso sa illegal logging.
Itinalaga si Mike upang pamunuan ang pagbubukas ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 3. Sa sampung taon na hindi mabuksan ang airport kinailangan ang abilidad ni Mike upang magkaroon ng kaganapan ang pangarap ng marami na masilayan ang paliparang ito. Matapos mabuksan ang airport ay itinalaga siya bilang Chairman ng Philippine National Railways.

BILANG PNR CHAIRMAN ay naikasa ni Mike Defensor sa loob lamang ng mahigit apat na buwan ang mga biyahe sa Metro Manila mula sa matagal na pagkakatigil nito sanhi ng problema sa mga pamilyang nakatira sa paligid ng riles at kinakalawang na pasilidad.
BILANG PNR CHAIRMAN ay naikasa ni Mike Defensor sa loob lamang ng mahigit apat na buwan ang mga biyahe sa Metro Manila mula sa matagal na pagkakatigil nito sanhi ng problema sa mga pamilyang nakatira sa paligid ng riles at kinakalawang na pasilidad. Sa mahabang panahon ay hindi napagana ang mga tren dahilan sa mga naninirahan sa gilid ng mga riles at pangangailangang isaayos ang mga pasilidad nito. Sa loob ng humigit kumulang apat na buwan, napabuksan ni Mike ang biyahe ng mga tren sa Metro Manila na siyang ikinatuwa ng sambayanan. Si Mike Defensor ay aktibo rin sa pribadong sektor bilang Chairperson ng apat na kumpanya. Siya ay Director ng Geograce at Chairman ng Minerales Industrias at Nihao Resources na listed companies sa Philippine Stock Exchange. Consultant to the Board din siya ng First Metro Investment. Siya rin ay Chairman at CEO ng Lynk Communications na siyang distributor ng MODU phones sa Asia Pacific. Siya ay Vice-Chairman ng Sierra Madre Alkaline Water kung saan ang Chairman nito ay ang TV personality na si Boy Abunda. Mapagmahal sa pamilya si Mike, sa kabila ng hamon sa kanyang mga tungkulin ay sinisikap niyang gampanan ang pagiging ama sa kanyang mga anak, tulad na lamang ng pagdalo sa mga pulong sa paaralan. Kahit nung siya ay kalihim pa, si Mike mismo ang kumukuha ng classcards ng kanyang mga anak. Si Mike ay pinarangalan bilang Ulirang Ama ng National Mother’s Day and Father’s Day Foundation.

Si Mike Defensor at kanyang buong pamilya.
Naging kaagapay ni Mike sa bawat hamon ng kanyang mga naging posisyon ang maybahay nito na si Julie Rose, tubong Marikina at mula sa angkan ng Santos at Guevara. Buo ang suportang ibinibigay ni Julie kay Mike sapagkat naniniwala ito sa kanyang paninindigan patungkol sa serbisyo publiko. Magkatuwang na itinataguyod nina Mike at Julie ang kanilang pamilya. Biniyayaan sila ng apat na mga anak, sina Mikee (14) ang kanyang panganay at si Mica (7) na pawang mga estudyante ng Rosehill School, Miguel (11) at Mico (8) na mga estudyante naman ng Ateneo.

Kailan lamang ay sinubok ng bagyong Ondoy ang puso ni Mike sa pagseserbisyo. Sa pagtungo ni Mike sa kanyang kapatid na nakatira sa Vista Real Classica, isa sa mga lugar na nalubog sa baha ay personal nitong nakita ang napakaraming pamilya na apektado ng bagyo. Pinangunahan ni Mike ang pagsagip sa mga pamilyang sumisigaw ng tulong. Nilangoy ni Mike ang maduming tubig sa gitna ng malakas na agos upang gumawa ng paraan at mabilis na mailikas ang mga nanganganib na pamilya. Tumulong si Mike na pagkabit-kabitin ang mga tali at maisakay sa mga raft ang humigit kumulang 30 mga bata at matatanda. Kabilang sa mga nasagip ng grupo ni Mike ang ina ng isang abugado na posibleng namatay sa pagkaubos ng oxygen.
Noong ikalawang linggo ng Enero 2010 ay hindi inaasahang nadatnan ni Mike, kasama ang kanyang mga kaibigan, ang isang malaking sunog sa Barangay Sangandaan. Hindi nagdalawang isip si Mike na pangunahan ang mano-manong pag-apula ng apoy sa pamamagitan ng pasa-balde sa tulong ng mga residente ng nasabing lugar bago pa dumating ang mga bumbero. Mahigit 300 kabahayan ang nailigtas sa tulong na rin ng Bureau of Fire personnel at mga 20 bahay lamang ang natupok ng apoy.

