Mike Defensor

Zero Streetchildren sa QC Itutulak ni Mike Defensor
Ilalayo ni Quezon City mayoralty candidate Mike Defensor ang mga streetchildren o batang lansangan sa mapanganib na kalsada ng lungsod kasabay sa pagtulak ng mga kaakibat na programa at proyektong tuluyang sasagip sa pamilya ng mga ito.

Mariing iginiit ni Defensor na dapat pagtuunan ng pansin kung paano mabibigyan ng pagkakataon ang mga batang lansangan na lumaking kapaki-pakinabang na mamamayan ng lungsod.

“Kinakailangang maglaan ng pondo para sa programang ‘zero streetchildren’ upang ganap na maisaayos ang kalagayan ng mga batang lansangan at dapat putulin na ang pamamalagi nila sa mga kalsada at huwag tumanda na walang direksyon ang buhay. Malaki ang pangangailangan na kumilos ang pamahalaang lokal upang matiyak na hindi sila magiging karagdagang problema ng ating lipunan.” pahayag ni Defensor.

Tinukoy ni Defensor na kinakailangang lutasin ang ugat ng kahirapan ng pamilya ng bawat batang lansangan, tulad ng kawalan ng disenteng tirahan, hanap-buhay at edukasyon.

“Kung matutulungan natin na magkaroon ng disenteng tirahan at masasandalan na pagkakakitaan ang mga magulang ng bawat streetchildren, hindi na nila kinakailangang makipagsapalaran sa lansangan upang makakuha ng limos bilang pantawid gutom.” dagdag pa ni Defensor.

Samantala, ikakasa rin ni Defensor ang pagkakaroon ng livelihood program at pagbibigay ng sapat na edukasyon sa mga magulang ng bawat streetchildren kaugnay sa responsibilidad at pananagutan ng mga ito sa kanilang mga anak.

Nagpahayag ng kahandaan si Defensor na makipagtulungan sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), non-government organizations o NGOs at maging sa hanay ng pribadong sektor upang maging katuwang ng pamahalaang lokal sa paglalatag ng mga programa para sa mga batang lansangan.

“Ang kailangan natin ay pagtutulungan ng pribadong sektor at pamunuang nababalot ng political will upang sugpuin ang kahirapan sa lungsod.” ani Defensor.

Naniniwala si Defensor na ang tunay na pag-unlad ay hindi dapat matapos sa pisikal na anyo ng isang lungsod, ito ay dapat higit na maramdaman ng mga mamamayang naninirahan sa bawat pamayanan nito.

Trabaho dapat mapunta sa mga taga QC – Mike Defensor
Dapat higit na mabigyan ng pagkakataon ang mga residente ng lungsod na makapasok ng trabaho sa bawat pabrika o negosyong itinatayo sa Quezon City upang makatulong sa kanilang kabuhayan.

Ito ang binigyang diin ni mayoralty bet Mike Defensor sa kanyang pakikipagpulong sa iba’t ibang lider ng bawat sektor mula sa ikalawang distrito ng lungsod kamakailan.

Ayon kay Defensor, pangungunahan niya ang pagbibigay ng mga insentibo sa bawat kumpanya o negosyo na susuporta sa naturang programa tulad ng tax breaks at libreng occupational permit.

Bukod pa dito, sinabi ni Defensor na kailangan ang maayos na ugnayan ng mga negosyante, komunidad at pamahalaang lokal kung nais ng lungsod na makinabang ang lahat ng mamamayan nito.

“Ang mahalaga rito ang magtulungan ang pamahalaang lokal at mga employers o may-ari ng mga factory at maglalaan tayo ng mga training upang sa gayun ay mismong taga-komunidad ang mabibigyan ng trabaho. Sa huli ay mas matipid ito para sa mga negosyante at mas lalawak ang opurtunidad ng ating mga kababayan na makahanap ng trabaho dito mismo sa ating lugar.” paliwanag ni Defensor.

Idinagdag pa nito na dapat mabigyan ng sapat na kasanayan at kaalaman ang mga naghahanap ng trabaho tulad ng mga training sa call center, restaurant at internet/computer outlets dahil ito ang mga trabahong nangangailangan ng maraming manggagawa.

Tututukan din ni Defensor ang pagbubukas at pagpapalawig ng mga merkado para sa mga produktong pangkabuhayan na karaniwang itinataguyod sa mga livelihood training tulad ng paggawa ng iba’t ibang produkto gaya ng kandila, sabon, accessories, at iba pa.

Isasabay dito ang pagdagdag sa mga skills training na maghahasa sa kakayahang teknikal o mekanikal ng sinumang nagnanais nito tulad ng dressmaking, food processing, automotive, electronics at iba pang mapagkakakitaan.

Binigyang diin ni Defensor ang pangangailangan na hasain ang kakayahan at kaalaman ng mga residente para maging kapaki-pakinabang silang mamamayan.

“Importanteng mabigyan natin ng pagkakataon ang ating mga kababayan, lalo na ang ating mga kabataan. Kung hindi natin sila tutulungan ay posibleng maging problema sila ng ating komunidad.” giit ni Defensor.

Tax cuts sa TODA at negosyante tiniyak ni Mike Defensor
Tiniyak ni mayoral candidate Mike Defensor na magkakaroon ng pagtapyas sa mga bayarin ng mga mamamayan, partikular na sa hanay ng maliliit na negosyante  sa Quezon City sakaling ituloy ng mga ito ang tiwala sa kanyang kakayahang mamuno sa lungsod.

Kasabay nito, tiniyak ni Defensor na hindi rin magdaragdag ng buwis at sisikaping pag-aralan kung ano pa ang mga posibleng gawin ng pamahalaang lokal upang mabigyan ng ayuda ang mga negosyo at matulungan maging ang hanay ng mga driver.

“Naniniwala ako na hindi dapat gipitin sa pamamagitan ng mga buwis ang mga negosyante at mamamayan sa ating lungsod. Dapat nating pagtuunan ng pansin ang pagpapabuti sa sistema ng paniningil ng buwis upang matiyak ang maayos na kalagayang pananalapi ng pamahalaang lokal.” paliwanag ni Defensor.

Pangunahin sa mabibigyan ng tax cuts sa lungsod ang hanay ng mga Tricycle Operators and Drivers Associations o TODA.

Upang higit pang makahikayat ng negosyo na manganganak ng trabaho para sa mga residente ng lungsod, tiniyak ni Defensor na ang plano niyang pagpapatupad ng tax cuts ay bukas maging sa nagpaplano pa lamang na magtayo ng negosyo.

Nakaabang rin ang pagpapatupad ng tax breaks sa mga sari-sari store kung saan nakapaloob dito ang libreng mayor’s permit.

Maging ang tinatarget na night market na isasabay ni Defensor sa ‘night zoo’ ay malilibre hindi lamang sa buwis kundi nakahanda rin ang kanyang liderato na sagutin ang kuryente at seguridad ng mga mamimili.

Security camera ikakalat sa QC, kriminalidad at carnapping tututukan ni Mike Defensor
Tututukan ni mayoralty candidate Mike Defensor ang paglaban sa kriminalidad at carnapping sa Quezon City bilang aksyon sa nauna nang bansag na ‘Carnapping Capital’ sa lungsod sa pamamagitan ng pagkalat ng mga closed-circuit television (CCTV) o security camera sa mga estratehikong pampublikong lugar.

“Naniniwala ako na kung tutulungan natin ang puwersa ng ating kapulisan dito sa ating lungsod ay mas mapapadali ang paglutas sa anumang krimen, gayundin magdadalawang isip ang sinumang kriminal na mambiktima sapagkat alam nilang madali silang mahuhuli.” pahayag ni Defensor.

Mas prayoridad ni Defensor ang palakasin ang programa sa seguridad at kaayusan kasabay ng paglulunsad ng mga proyekto para sa hanay ng sining upang higit na mapaigting ang pagkakakilala sa lungsod bilang ‘City of Stars’.

Nais tiyakin ni Defensor na magiging doble ang kampanya laban sa anumang krimen upang maprotektahan ang mga negosyo, ari-arian at mamamayan. Mas magtitiwala rin ang iba pang negosyo na pumasok sa lungsod na magreresulta naman ng trabaho sa mga mamamayan at karagdagang buwis para sa serbisyo publiko.

Ang pagtatalaga ng mga security camera ay bilang karagdagang tulong sa pagbabantay ng seguridad sa komunidad, kasabay na rin ng pagpapatrulya ng mga barangay tanod at puwersa ng Quezon City Police.

Tiniyak din ni Defensor ang buong suporta nito sa hanay ng mga pulis, partikular na sa pagtulong sa pagkakaroon ng sapat na suplay ng mga kagamitan upang mabilis na makaresponde sa anumang krimen.

“Higit pang uunlad ang ating lungsod kung matitiyak natin ang ligtas na kapaligiran.  Malaki ang maitutulong ng CCTV cameras sa pagsugpo ng mga krimen.” dagdag pa ni Defensor.

Plano ni Defensor na ilagay ang mga CCTV camera sa mga pampublikong lugar at magagamit ito sa loob ng 24 oras para labanan ang mga kriminal.

QC Movie Museum itatayo ni Mike Defensor
Magtatayo ng Quezon City Movie Museum si mayoralty bet Mike Defensor upang palakasin hindi lamang ang pelikulang Pilipino kundi ang entertainment industry.

Pinag-aaralan ni Defensor ang posibilidad na itayo ang Movie Museum sa Ninoy Aquino Parks and Wildlife Center o sa La Mesa Dam Eco-Park upang higit pang makadagdag sa atraksyon ng naturang lugar.

“Naniniwala ako na ang pagtatayo ng museum ay konkretong proyekto na magpapalakas hindi lamang sa industriya ng sining kundi maging sa turismo na tiyak namang manganganak ng trabaho para sa ating mga kababayan.” pahayag ni Defensor.

Sa ginanap na pakikipag-ugnayan ni Defensor sa movie press kamakailan, tinukoy nito ang pagtatampok kay Fernando Poe Jr. sa museum bilang isa sa mga pinakasikat na artista sa bansa na nag-uugnay sa ‘past and present movie industry’ at mananatiling hari ng pelikulang Pilipino at isang national artist. Karapat-dapat umanong gawan ng wax statue si FPJ sa museum.

Idinagdag pa ni Defensor na kokonsultahin niya si German Moreno upang maisagawa ng maayos ang kaniyang plano bilang pagkilala na rin sa malasakit nito sa industriya.

Samantala, nilinaw nito na ang museum ay hindi makikipag-kumpetensiya sa Walk of Fame sa Eastwood at Garden of Stars sa Mowelfund kundi suporta para kilalanin ang industriya ng pelikulang Pilipino at ang talento ng mga artista sa bansa.

Ang museum ay nais nating maging resulta ng ordinansa na nauna ng pinagtibay ng konseho ng Quezon City kaugnay sa pagdedeklara sa lungsod bilang City of Stars.

Naniniwala si Defensor na hindi dapat mapako sa pagkilala lamang ang naturang ordinansa kundi dapat ipatupad sa pamamagitan ng mga reyalistikong programa na mararamdaman ng industriya at ng mga mamamayan.

“Higit na magiging makabuluhan ang pagkilala sa ating siyudad bilang City of Stars sa pagkakaroon natin ng mini-version ng Universal Studios sa Hollywood na tiyak na magpapalakas sa turismo at trabaho.” dagdag pa ni Defensor.

Pondo ng QC, ibabalik sa taumbayan
Nanindigan si Quezon City mayoralty aspirant Mike Defensor na ibabalik nito sa taumbayan ang bahagi ng pondo ng siyudad upang maramdaman ng lahat ng residente ng lungsod, mayaman at mahirap ang tunay na pag-unlad.

Sa isang candidates forum na inorganisa ng National College of Public Administration and Governance (NCPAG) ng University of the Philippines kamakailan, nagharap sa unang pagkakataon ang limang mayoralty candidates ng lungsod upang ilatag ang kanilang mga proyekto at programa na hahatulan ng mamamayan sa May 10, 2010 elections.

Sa pagharap nito sa forum, inilahad ni Defensor ang kahalagahan na maramdaman mismo ng mamamayan anuman ang estado nito sa buhay ang pag-unlad ng Quezon City sa pamamagitan ng mga konkretong programa.

“Ngayon ang tamang panahon upang ibalik natin sa ating mga kababayan ang pondo ng Quezon City, nagawa na natin sa matagal na panahon ang pagtutok sa pagbabagong pisikal ng ating lungsod, dapat ay higit nating pagtuunan ng pansin ang mga serbisyo at programa na tunay na magpapabago sa kanilang pamumuhay.” pahayag pa ni Defensor.

Kabilang sa mga programang ipaglalaban ni Defensor para sa mamamayan ng Quezon City ang pagtiyak na magkakaroon ng health card ang lahat para sa mura at de-kalidad na serbisyong medikal, buwanang allowance ng mga senior citizens, pagbibigay ng pantay na karapatan at pagkakataon sa mga may kapansanan, discount sa may 60 unibersidad at kolehiyo sa lungsod upang magkaroon  ng mas maraming scholar bawat taon, pabahay para sa mga informal settlers sa pamamagitan ng Community Mortgage Program (CMP) at pagpapalago sa central business district.

Samantala, sa ilalim ng programa sa turismo, tiniyak ni Defensor na manganganak ng trabaho para sa mga taga-lungsod ang plano nito para sa pagpapaunlad ng Ninoy Aquino Parks and Wildlife Center, ang pangarap nito na gawing ‘Tagaytay’ ng Metro Manila ang La Mesa Ecopark at ang paglikha ng sentro para higit na kuminang ang tinaguriang City of Stars.

Makatitiyak din ang sambayanan na hindi magdaragdag ng buwis sa ilalim ng kanyang termino sapagkat sapat ang pondo ng pamahalaang lokal upang tustusan at iprayoridad ang pagpapatupad ng kaniyang mga isusulong na programa.

Ayon pa kay Defensor, sa halip ay pag-aaralan niya kung paano babawasan ang pasanin ng mga maliit na negosyo sa pagbubuwis partikular na ang mga sari-sari store at maging ang mga Tricycle Operators and Drivers Association (TODA).

“Maunlad na ang Quezon City, pero dapat may gawin tayo para sa kanilang lahat upang maramdaman nila ito at sila mismo ay makasama natin sa tunay na pag-asenso.” dagdag pa ni Defensor.

District 2 ng QC, Tatayuan ng Ospital ni Mike Defensor
Tiniyak ni Quezon City mayoralty aspirant Mike Defensor na tatayuan nito ng ospital ang ikalawang distrito ng lungsod upang matiyak ang de-kalidad na atensyong pangkalusugan ng mga residente sa naturang lugar.

Sinabi ni Defensor na kinakailangan na magkaroon ng ospital ang itinuturing na pinakamalaking distrito ng lungsod sapagkat kakayanin naman ng pondo ng pamahalaang lokal na balikatin ang pagpapatayo nito.

“Hindi magiging hadlang ang kawalan ng perang pang-deposito ng ating mga kababayan sa District II sa itatayo nating ospital. Kung kinakailangang makipag-ugnayan tayo sa mga kaukulang ahensiya ng ating pamahalaan ay gagawin ko upang matiyak na sapat din ang mga pasilidad nito upang tugunan ang mga serbisyong medikal ng ating mga kababayan.” pahayag pa ni Defensor.

Ang kalusugan ay kabilang sa mga pangunahing programa na tututukan ni Defensor batay na rin sa kanyang mga binuong proyekto para sa mga taga-lungsod Quezon. Prayoridad nito ang pagtiyak na mabilis na maibigay ang mga serbisyong medikal tulad ng operasyon, gamot at doktor partikular na sa mga maralitang taga-lungsod.

“Matindi ang ating hangarin na palakasin ang mga serbisyong pangkalusugan para sa ating mga kababayan. Halimbawa na lang yung mga kasama nating taga-Barangay Security and Development Office (BSDO), pag sila ay naaksidente sa mga respondeng ginagawa nila sa ating komunidad, kailangan sila mismo hindi mahirapang makakuha ng atensyong medikal.” dagdag pa ni Defensor.

Sa kanyang pakikipag-ugnayan sa residente ng District II kamakailan ay tiniyak din ni Defensor na magsusulong siya ng isang ‘universal health care’ para sa mga taga-Quezon City.

Sa ilalim ng programa, lahat ng mga mahihirap na pamilya ay magkakaroon ng pagkakataong maging miyembro ng National Health Insurance Program o Philhealth samantalang lahat naman ng mga pamilyang mayroon nang iba’t ibang uri ng Philhealth membership ay bibigyan ng QC Health Card.

Maging ang pakikipagtulungan sa pribadong sektor ay papasukin nito para sa murang gamot laban sa impeksyon, high blood pressure, diabetes at cancer at makapagbigay ng murang diagnostic services kabilang na ang mga blood test, x-ray at ultra-sound.

Health Card para sa QC, titiyakin ni Mike Defensor
Titiyakin ni Quezon City mayoral bet Mike Defensor na matutugunan ang pangangailangang pangkalusugan ng mga mamamayan sa lungsod sa pamamagitan ng pagbibigay ng ‘Health Card’ sa bawat pamilya.

“Ang tunay na pag-unlad ng ating lungsod ay dapat maramdaman ng ating mga kababayan. Walang pasyente ang itataboy sa bawat ospital at magmamakaawa ng atensyong medikal para sa sinumang miyembro ng kaniyang pamilya.” ayon kay Defensor.

Ang pagtugon sa usaping pangkalusugan ay kabilang sa mga pangunahing programang isinusulong ni Defensor para sa mga taga-Quezon City. Prayoridad nito ang pagtiyak na mabilis na maibigay ang mga serbisyong medikal tulad ng operasyon, gamot at doktor partikular na sa mga maralitang taga-lungsod.

Nakita ni Defensor ang malaking pangangailangan na itaas ang antas ng serbisyong  pang-kalusugan ng kaniyang mga kababayan sa kanyang tuluy-tuloy na pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang sektor na nagtutungo sa kanyang tanggapan.

Sa kasalukuyan, nakita ni Defensor ang pangangailangan na magsulong ng isang ‘universal health care’ para sa mga taga-Quezon City. Sa ilalim ng programa ni Defensor, lahat ng mga mahihirap na pamilya ay magkakaroon ng pangkakataong maging miyembro ng National Health Insurance Program o Philhealth samantalang lahat naman ng mga pamilyang mayroon ng iba’t ibang uri ng Philhealth membership ay bibigyan ng QC Health Card.

Ang lahat ng pagkakalooban ng QC Health Card ay magkakaroon ng nakatalagang primary care doctor na magbibigay ng libre at tuluy-tuloy na tulong medical. Magkakaroon din sila ng prayoridad na makapasok sa Quezon City General Hospital at Novaliches District Hospital maging sa lahat ng mga hospital sa ilalim ng pangangasiwa ng Department of Health tulad ng Heart Center, National Kidney & Transplant Institute, Lung Center, Philippine  Children’s Hospital at iba pa. Magkakaroon din ng mga diskwento ang mga ito sa mga pribadong ospital para mabigyan sila ng mura at abot-kayang serbisyo.

Nagpahayag din ng kahandaan si Defensor na makipagtulungan maging sa pribadong sektor upang tiyakin na mabibigyan ang lahat ng taga-lungsod ng murang gamot laban sa impeksyon, high blood pressure, diabetes at cancer.

Samantala, kabilang din sa isinusulong ni Defensor ang makapagbigay ng murang diagnostic services kabilang na ang mga blood test, x-ray at ultra-sound.

Economic Zone sa QC isusulong ni Mike Defensor
Isusulong ni mayoralty candidate Mike Defensor ang pagkakaroon ng isang economic zone sa Quezon City upang palakasin ang pangangalakal sa lungsod at mabigyan ng trabaho ang libu-libong mamamayan.

Pinaliwanag ni Defensor na bagamat nasa mabuting kalagayan naman ang komersiyo at pagnenegosyo sa lungsod, mas higit na makikinabang ang pamahalaang lokal at mamamayan nito kung magkakaroon ng economic zone.

“Bubuksan ang economic zone sa lahat ng negosyante maging Pilipino o dayuhan man upang makaakit ng ‘investment’ na lalong magpapasigla ng kalakalan sa ating lungsod.” pahayag ni Defensor.

Kasabay nito, nakahanda naman si Defensor na magbigay ng tax breaks sa mga negosyo na papasok sa economic zone. Pero kapalit nito, kinakailangan na mga mamamayan ng lungsod ang kukunin nilang mga manggagawa at empleyado.

Tinatayang milyun-milyong halaga ng bagong negosyo para sa Quezon City at trabaho naman para sa mga residente nito ang idudulot ng nasabing economic zone. Inaasahan na ang balak ni Defensor ang siyang magtutulak ng tuluy-tuloy na pag-unlad ng Quezon City.

Tiwala naman si Defensor na magiging epektibo ang paglulunsad niya ng economic zone batay na rin sa kaniyang karanasan sa pamamahala ng mga pribadong kumpanya maliban sa pamumuno ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaang nasyunal.

Matatandaan na naglingkod si Defensor bilang konsehal at kongressman ng ikatlong distrito ng Quezon City bago pinamunuan ang mahahalagang ahensiya ng pamahalaan tulad ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC), Department of Environment and Natural Resources (DENR), Ninoy Aquino International Airport  (NAIA) Terminal 3  at Philippine National Railways (PNR).

Sa ilalim ng kaniyang liderato, nakapagsagawa si Defensor ng mga pagbabago at makabuluhang programa sa naturang mga ahensiya maliban sa tumatak sa track record niya ang matagumpay na programa para sa mga taga-Quezon City, partikular na ang pabahay sa maralitang taga-lungsod, ang pagtatanggol sa pag-aalis sa Quirino Memorial Medical Center o Labor Hospital, programa sa patubig, mga health center at pagsasaayos sa mga kalsada.

Allowance ng senior citizen ipaglalaban ni Mike Defensor
Nakahandang ipaglaban ni Quezon City mayoralty candidate Mike T. Defensor ang mga  senior citizen sa lungsod na magkaroon ng allowance kada buwan bilang bahagi ng pagtataguyod sa kanilang kapakanan.

Tiniyak ni Defensor na sisikapin nitong mapagkalooban ng Php1,000 na allowance kada buwan ang bawat senior citizen sa lungsod upang makatulong ito sa kanilang mga gastusin.

“Naniniwala ako na dapat nating kilalanin at pahalagahan ang mga nakatatanda sapagkat sila’y isa pa rin sa mga importanteng bahagi ng ating sektor na hindi dapat balewalain ng sinumang lingkod-bayan.” pahayag ni Defensor.

Idinagdag pa nito na ang mga nakatatanda ay may bahaging ginampanan sa pagtataguyod sa lungsod kung nasaan man ang kalagayan nito sa kasalukuyan.

Sa pakikipag-ugnayan ni Defensor sa mga residente ng District IV na nagtungo sa kanyang tanggapan, ipinaliwanag ni Defensor na kabilang sa kanyang mga pangunahing programa na itataguyod sa Quezon City ang sektor ng senior citizens.

Ayon pa kay Defensor, ang isinusulong niyang pagbibigay ng allowance kada buwan sa mga nakatatanda ay kayang balikatin ng pamahalaang lokal partikular na kung susuriin ang alokasyon sa mahigit 10 bilyong pisong pondo nito bawat taon.

Samantala, maliban sa allowance, makikipag-ugnayan din si Defensor sa mga pribadong sektor upang palawigin ang mga institusyon na magbibigay ng community based care, residential care at daycare services para sa mga nakatatanda, kabilang na ang mga supplemental feeding at psycho-social interventions.

Sa kasalukuyan, batay na rin sa record ng Planning and Development Office ng lungsod para sa taong 2009, umaabot sa 133,391 ang bilang ng nakatatanda na posibleng mabenepisyuhan ng mga isinusulong ni Defensor.