Mike ibinuking ng Ex-GF: 5 beses ikinasal

Mike 5 beses ikinasal sa IISANG babae!

MAY intriga sa mga mata ng dating kasintahan ni Mike Defensor nang ibuking niya na hindi lang isa kundi limang beses ikinasal ang kumakandidatong alkade sa lungsod Quezon. [Read more...]

Programa, hindi Porma!

TATAK ni Mike Defensor ang pagiging hands-on action man na lingkod bayan. Siya’y may masidhing pangarap para sa higit pang pag-unlad ng lungsod ng Quezon na kung saan ang mamamayan nito ay makakatanggap ng pantay-pantay na biyaya at serbisyo mula sa pamahalaang lokal. [Read more...]

QC Night Zoo itatatag na sentro ng Turismo

Malaki ang pangangailangan na gawing mas mataas ang antas ng mga pangunahing lugar sa Quezon City na sentro ng turismo upang mas maging epektibo ito at ganap na mapakinabangan ng pamahalaang lokal at ng mga mamamayan na direktang mabebenepisyuhan ng trabaho. [Read more...]

Pabahay at Palupa prayoridad sa mga programa ni Mike para sa mga maralita ng QC

MAGIGING ganap ang pag-unlad ng Quezon City kung mawawala ang mga informal settler o iskuwater sa lungsod nang hindi ipinapatapon sa iba’t ibang lugar.
[Read more...]

May mga Kapansanan hataw din sa biyaya

MAGING ang mga may kapansanan (people with disabilities o PWDs) sa Lungsod Quezon ay aani din ng biyaya mula sa priority programs ni Mike Defensor.
[Read more...]

Senior Citizens sa QC may P 1,000 Cash Allowance Na, Todo Benepisyo Pa!

SINABI ni Mike Defensor na sa pakikipagtulungan sa pribadong sektor, palalawigin nito ang mga institusyon sa Lungsod Quezon na magbibigay ng community-based care, residential care, at day care services para sa mga elderly o nakatatanda. Kasama na rito ang mga supplemental feeding at psycho-social interventions. Higit sa lahat pagkakalooban ang lahat ng maralitang matatanda na residente ng lungsod ng isang libong piso kada buwan bilang tulong panustos sa kanilang pangangailangan sa araw-araw. [Read more...]

Edukasyon Tututukan, Kinabukasan ng Kabataan sa Quezon City Paghahandaan

Libreng pag-aaral mula elementarya hanggang kolehiyo

TUTUTUKAN ni Mike Defensor ang kahalagahan ng edukasyon para sa mga bata sa Quezon City dahil naniniwala siya na dito nakasalalay ang kinabukasan ng bayan.

“Ang may pinag-aralang kabataan ay yaman ng bayan na siyang huhubog ng kapalaran ng susunod na salinlahi.” pahayag ni Mike. [Read more...]

Ang QC Health Card ni Mike sa kalusugan ng lahat, lalo na sa mahihirap

MARIING inihayag ni Mike Defensor na isa sa mga programang kanyang isusulong kung manalong alkalde ng Quezon City ay nakatuon sa mga pangangailangan sa serbisyong medikal, libreng gamot at pangkalahatang kalusugan ng lahat ng mamamayan ng lungsod. [Read more...]

Walang Bagong Buwis, Tax Breaks Meron

Mga sari-sari store libre na ang mayor’s permit fees sa administrasyon ni Mike.

NANGAKO si Mike Defensor na kung ipagkakatiwala sa kanya ng mga mamamayan ng Quezon City ang pamumuno sa lungsod, hindi magkakaroon ng mga bagong lokal na buwis at wala ring karagdagang bayarin sa mga lokal na buwis at butaw ng bayan sa ilalim ng kanyang panunungkulan. [Read more...]

Prangkisa ng toda libre na, Multa sa huli hindi na Pera!

Ililibre na ni Mike Defensor ang bayarin sa prangkisa ng tricycle operators and drivers kung siya ang maluklok na mayor ng Quezon City at hindi rin niya papayagang pagmultahin ng libong pisong parusa ang mga drayber na mahuling lumalabag sa trapiko o iba pang violation sa kanilang lisensya. [Read more...]